Tropang Hamog goes to BATANGAS ! :D
Trip ku lang magblog haha :D
6:00 ng umaga gumising ako para maglakad, bahay hangang Landayan para mag simba kasama si Bismar. Pagkatapos pumunta ako sa bahay nila, may kukumustahin sana ako pero wala na akong oras para makahabol sa tropa. Pag uwi ko sakto lang ang dating ko, kakagising lang nila (mga tulog mantika haha). Nagmadali na kami kasi malas daw pag inabot ng 3:00 ng hapon dahil Good Friday. Ayun papaalis na kami, sakay ng Van.
After 1 hour nasa LIPA BATANGAS NA KAMI ! :D . Habang papunta na kami sa bahay ng tropa ko sa Lipa, may nakita pa kaming nag rarambulan puno ng action haha.
Sa wakas nasa bahay na kami. Presko ang hangin at maraming hayop mala Farmville ang dating hehe. First time ku lang makatikim ng “kapeng barako with matching saging at kamoteng kahoy”.
Nung unang gabi namin nagkwentuhan lang kami sa gilid ng bahay, naghihintay na maluto ang kanin at ulam. Kainan na ! sarap ng kanian namin na may kasamang sound trip, Doo na lang uli ako nakapagulam ng tuyo, siguro naka liamng piraso ako haha. Pagtapos kumain nag Movie marathon na kami. Disturbuia, Stan Helsing, GI JOE. Ang ginawa ko lang buong gabi ay text text text … At sumali ako sa clan na Denxters :D.Pagtapos mag movie marathon, Nagkakayaan dumayo ng DOTA sa plaza, kaso walang player ung dinayuhan namin, kumain na lang kami at tumambay.Pag uwi, Nakatulog na ako dahil nawawala ang signal, akal ko sira nanamn ang globe haha.
Umaga na este Tanghali na kami nagising dahil sa sobrang puyat at pagod, Nagpaplano kami magswimming pero dio namin alam kung saan. Mga 1:00 ng hapon naghanda na kami para sa swimming. Makalipas ang isang oras nakahanap na rtin kami ng mapagliliguan haha, Ocean Park resort, Ambagan muna ng entrance bago makapasok, buti na lang may natira pa akong pamasahe hehe. Swimming time na ! unang ginawa ng tropa bago maligo ay naghanap ng CHIKA BABES ! haha edi nakijoin na rin ako hehe. Nung gumabi na naglakadlakad kami sa tabing dagat at gumawa nang kung anu anung trip na maisipan namin. Nauna na kami umuwi sa kanila dahil mag iinom pa sila. Habang nasa daan na kami may nakapgsabi samin tungkol sa bitukang manok na may moo moo daw . Edi ung iba naming kasama ay natakot at nagpikit na lng ng mata. Ung isa naking kasama nawalan ng gas, naghanap naman kami agad ng gasulinahan buti may bukas pa. Mga 1:00 na kami nakauwi sa bahay na tinutuluyan namin. Tulog agad ang mga tropa ku pat ako tumba haha.
Maaga akong nagising pero nahiga uli ako sa sofa kulang ata tulog ko haha, ayun mga 11:00 na ako nagising. Naghanda na kami, nagayos ng gamit, naligo at kumain, para maaga kaming makaluwas. Nasa terminal na kami para maghintay ng masasakyan, nagulat kami ung sinakyan namin papunta sa LIPA ay ayun pa rin ang sasakyan namin papauwi. Buti na lang at hindi gaanong trapik, After 1 hour nasa San Pedro na kami ahaha.
Hindi ku makakalimutan ang bakasyon ko sa Batangas :D ALA E !